"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda, " isa ito sa mga katagang iniwan ni Gat Jose Rizal sa atin.
Nakasanayan na natin na tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Ang tema ng Buwan ng Wika ngayon ay,"Wika ng Pagkakaisa." Ipinapahiwatig nito na gamitin natin ang ating sariling wika sa pagbabayanihan. Magtulungan tayo gamit ito para magkaintindihan. Huwag nating tangkilikin ang mga banyagang salita. Nasaang sulok ka man ng mundo, dapat marunong kang lumingon sa iyong pinanggalingan.
Ipagmalaki mo na ikaw ay Pilipino. Mahalin at gamitin ang sarili nating wika.
No comments:
Post a Comment